Mag-iwan ng Positive Impression sa Job Interview

Ready ka na sa job interview?  Siguraduhing makapag-iwan ng ‘positive impression’ sa iyong interviewer!   

Alam mo ang trabahong inaapplyan?  Good.  May experience ka?  Good.  Pero ang pagtanggap sa iyo sa trabaho ay nakasalalay din sa magiging impression or perception sa iyo ng interviewer.  

Marami ang expert at experienced sa kanilang inaapplayang trabaho pero hindi natatanggap.  Bilang isang hiring manager na nagiinterview ng aplikante at base sa mga nakakausap kong recruiters, ito ang 4 na puede mong gawin para maging positive ang impression sa iyo ng interviewer.

Maging ON-TIME sa interview.  First time kang makakausap ng interviewer mo.  Hindi ka nya kilala.  Ang pagiging on-time o late sa interview ang unang pagpapakilala mo ng iyong sarili.   Kapag late ka, nakilala ka na nya!  Minus points na agad yun.  Iisipin ng interviewer, “Walang pagpapahalaga sa oras itong taong ito.  Malamang, late din ito sa trabaho.”

Be PLEASANT.  Siguraduhin na maayos at malinis ang pananamit at itsura.  Ayaw ng interviewer na madungis, mukhang bagong gising o mukhang hindi nakapaghanda ang applikante (gusot ang damit).   Bago pumasok sa kumpanyang inaapplyan, i-check kung maayos ang buhok, malinis ang mukha at ngipin, maayos ang kwelyo ng damit.  Hindi kailangang mamahalin ang kasuotan.  Hindi kailangang naka-suit-and-tie (maliban na lang kung ang position na inaapplyan ay professional staff or supervisory/ managerial). 

Ibagay ang kasuotan sa posisyong inaapplyan.  Pero lagi kong sinasabi na, “be dressed a notch higher than others”.  Sa dami ng mga nag-aapply, gusto mong mag-‘stand out’ sa kanilang lahat.  Isa pa, ang iyong pananamit ay nagpapakita din ng iyong personalidad.  Wag masyadong kaswal.  Kumpanya ang pinuntahan mo, hindi mall. 

Trabaho ang hanap mo, hindi barkada.  Kung professional staff or supervisory ang position, mag long-sleeves at slacks.  Huwag mag-round neck tshirt.  Magsuot ng polo shirt o short-sleeved polo o blouse naman sa kababaihan.  

Be PREPARED.  Pag-isipan ang mga posibleng itanong.  Ihanda ang sagot para makasagot agad.  Pagpraktisan kung paano sasagutin ang mga tanong.  Sagutin ang tanong at magbigay ng halimbawa or paliwanag (tungkol sa iyong experience o achievements).  Wag paligoy ligoy ang sagot.  Ayaw ng mga interviewer ang masyadong mahaba ang sagot.  Iresearch din sa kumpanyang inaapplyan.  Basahin ang kanilang website o Facebook page.  Ano ang kanilang negosyo? Ano ang produkto or serbisyo nila?  Sino ang mga customers nila?  Ano ang mga balita (current news) tungkol sa kumpanya?  Kahit na nakapaghanda ng isasagot, maging natural sa pagsasalita.  Ayaw ng interviewer ng scripted ang pagsagot.

Show CONFIDENCE at CREDIBILITY.   Batiin ang interviewer at magpakilala.  Buo ang boses na sabihin, “Good Morning!  Ako si Louie Banta.”  Sagutin ang mga tanong ng may tamang lakas ng bose – hindi mahina at hindi pasigaw.  Umupo ng maayos at tama ang posture.  Makipag eye contact sa interviewer (kung online interview naman, tumingin sa webcam kapag sumasagot). 

Gumamit ng ilang mga hand gestures para dagdagan ng emphasis ang iyong sagot.  Magpractice ng mabuti para mabawasan ang mga “fillers” (ahh, ummm) sa pagsasalita.  Iwasang gumamit ng mga “credibility busters” – mga salitang tulad ng “siguro”, “baka”, “hindi ako sure”, “puede”.  Maging sure sa mga sagot.  Pero iwasang maging mayabang o masyadong nakafocus sa sarili.  Sa halip na magbuhat ng sariling bangko, ipaliwanag kung paano ka makakatulong sa kumpanyang inaapplyan.

Sa sampung iinterviewhin sa trabahong inaapplayan mo, isa o iilan lamang ang matatanggap.  Siguraduhing mag-iwan ng positive impression na ikaw ay mahusay, maasahan, may kumpiyansa sa sarili at kayang gampanan ng mga tungkulin sa trabaho.

Related Articles

Responses

Your email address will not be published. Required fields are marked *