Tips sa pagsulat ng...
 
Notifications
Clear all

Tips sa pagsulat ng resume


Edwin
(@edwinebreo)
Member Moderator
Joined: 4 months ago
Posts: 5
Topic starter  

Bilang recruiter, marami na akong nakitang mga resumes. Maraming applicants sinusulat ang duties and responsibilities nila sa previous companies nila. Hindi masyadong useful ito, pampahaba lang ng resume. Ang suggestion ko ay isulat yung mga achievements, dahil mas nasasabi nito kung ano ang kayang gawin ng aplikante. Ikaw ano ang tips mo sa pagsulat ng resume?

 


Quote
Jef Menguin
(@jefm)
Member Admin
Joined: 8 months ago
Posts: 2
 

Ang mindset ko sa pagsulat ng resume ay katulad ng mindset ko sa pagsulat ng isang proposal: I am offering the solutions that the organization needs.

Kaya mahalaga na malaman kung ano ang pangangailangan ng kompanya. Bakit nga ba sila naghahanap ng tao sa partikular na posisyon? Ano ba ang mga challenges nila ngayon?

Yung mga experiences, skills, at achievements ko na maaring kailangan ng kompanya ang siyang mailalagay sa aaking resume. Kaya maaring isang pahina lamang ang aking resume.

 

 


Edwin liked
ReplyQuote
Juan
 Juan
(@jun)
Member Moderator
Joined: 4 months ago
Posts: 3
 

Bilang dagdag, marami akong nakikitang resume na sangkatutak yong strengths at mga skills o expertise. Ang tip ko ay pumili lamang ng mga hanggang 5 na talagang may taglay kang galing o karanasan. Yong kaya mong patunayan. Maganda rin kung yong pinili mong set of skills o strengths ay tugma sa requirements ng inaaplayan mong trabaho. 


Edwin liked
ReplyQuote
Share: